
Isinagawa ang Division Ceremonial Kick-off ng School-based Feeding Program Milk Component kasabay ng Oplan Kalusugan sa DepEd (OK sa DepEd) Stakeholders Caravan sa Paterno Madanlo Matiao Central Elementary School ngayong araw, Agosto 4, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga guro, magulang, mag-aaral, at ibaโt ibang stakeholders bilang suporta sa mga programang pangkalusugan ng Department of Education. Layunin ng feeding program na masiguro ang sapat na nutrisyon ng mga mag-aaral, lalo na ng mga kulang sa timbang, sa pamamagitan ng regular na pagpapainom ng gatas sa mga benepisyaryong bata.
Dumalo rin sa aktibidad sina SDS Winnie E. Batoon at ASDS Antonio P. Delos Reyes. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Batoon ang kahalagahan ng kalusugan sa pagtiyak ng tuloy-tuloy na pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan.
Aniya, โHealthy mind in a healthy bodyโ โ isang paalala na ang malusog na pangangatawan ay susi upang ang mga kabataan ay makapag-aral nang maayos at matupad ang kanilang mga pangarap.
Patuloy ang suporta ng division sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng mga bata upang masiguro ang kanilang tagumpay sa pag-aaral.