𝐌𝐀𝐓𝐈𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐲: 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐮 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐞𝐧𝐬

News
Ngayong araw, isinagawa ng Mati City Division Team, sa pangunguna nina SDS Winnie Batoon at ASDS Antonio Delos Reyes, ang isang courtesy visit sa tanggapan ni Governor Nelson L. Dayanghirang.
Mainit silang tinanggap ng gobernador na buong puso ang nagpahayag ng kanyang suporta sa mga programa at layunin ng division para sa ikabubuti ng edukasyon sa lungsod ng Mati. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Governor Dayanghirang ang kahandaan ng pamahalaang panlalawigan na makipagtulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga guro, mag-aaral, at paaralan.
Ang pagbisitang ito ay nagpatibay sa ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataang Matinian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *